
Napakaraming Pinoy sa ngayon ang may mga matataas ang kolesterol. Mapamahirap man o mayaman hindi iiwasan ng kolesterol sa katawan.
May iba’t iba ng uri ng gamot para sa kolesterol na tiyak na makakagaling sayo. Pero sa ibang taong may kolesterol ay hindi epektibo ang mga gamot lang na mumurahin, pero sa ibang tao tiyaga na lamang ang pag-inom ng gamot kahit ito man ay mumurahin nagbabaka sakaling mapagaling sila ng mga gamot na ito.
Isa ngayon sa mga gamot na masasabing epektibo ay ang Statins. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin, Atorvastatin, at iba pa.
Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America, binibigay ang Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240.
Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.
Pero ang ibang doctor ay nagbibigay na nang reseta ng Statins kahit ang kolesterol pa lamang ay 210 pero ito ay maganda at makakabuti sa may mga matataas na kolesterol.
Ayon kay Willie Ong ,“Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at icing muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipa-test uli ang cholesterol at kapag lampas ulit sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins”
Sa pagkakataong ito hindi dapat magmadaling magamot ng Statins kasi may mga iba pang proseso upang magawan ng paraan ang may mataas na kolesterol sa katawan. Pero kung hindinparin nababa ang kolesterol sa pagdidiet ay gumawa na ng paraan upang makabili agad ng gamot na Statins.
Para sa mga babae na hindi pa menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. Ito’y dahil may estrogen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaing hindi pa menopause. Gumawa muna ng mga paraan upang maiwasan ang kolesterol.