top of page

Tumataas na ang bilang ng mga Pilipino na mataas ang cholesterol na nagdudulot ng iba’t ibang sakit na nagpapahina sa katawan ng isang tao at kahit mga kabataan ay bikitima na nito.

 

Mahilig ang mga Pilipino sa mga pagkain lalo na sa mga okasyon o handaan tulad g kasal, kaarawan, anibersaryo at marami pang iba. Ngunit ang mga pagkain ito ba ay may dulot sa ating katawan na mabuti o ito ang nagdudulot sa ating katawan ng panganib?

 

Mayroong mga pagkain na mataas na cholesterol at kung an gating katawan ay magtataglay ng labis na cholesterol, ang ating katawan ay maaaring maugnay sa malubhang karamdaman tulad ng stroke, hypertension at coronary heart disease. Ngunit, mayroong cholesterol na hindi masama ito ayang tinatawag na HDL cholesterol o ang tinatawag naa ”good cholesterol” na siyang solusyon upang mapababa ang “bad cholesterol” sa katawan ng isang tao.

 

Ang pagkain na nagtataglay ng good cholesterol ay ang oatmeal dahil ito ay naglalaman ng soluble fiber na tumutulong sa pagtanggal ng bad cholesterol sa katawan at kapag madalas itong kainin, mapipigilan nito ang pagsipsip ng dugo sa bad cholesterol at makatutulong sa pag-alis ng toxins sa katawan. Isa pa rito ay ang nuts gaya ng mani, almonds, walnuts at kasuy ay nagtataglay ng unsaturated fats na mabuti sa kalusugan ngunit kailangan nating iwasan ang mani na iprinito dahil ito ay nagtataglay ng trans fat na hindi maganda sa ating katawan.

 

Nagtataglay din ng good cholesterol ang avocado dahil ito ay mayroong beta-sitosterol na isang uri ng plant fat na pinipigilan ang pag-imbak ng bad cholesterol. Ang olive oil at margarine ay makatutulong din na makapagpababa ng bad cholesterol dahil ito ay mayroong plant-based fat na nagtatanggal ng bad cholesterol sa katawan. Nakabababa rin ng total cholesterol level at nakatutulong sa pagpapapayat ang pagkonsumo sa mga ito lalo na ang olive oil.

 

Ang pagkain na dapat naming iwasan n gating katawan ay ang ice cream at cake dahil ito ay karaniwang umaabot ng 2.5 grams ang trans fat ng bawat serving ng cake. Ang ice cream at sundae naman na maraming sangkap ay maaaring maglaman ng 9 grams ng trans fat bawat serving. Ito ay delikado lalo na sa mga taong may high blood pressure. Isa pa rito ay ang steak at roast beef dahil ang mga ito ay mayaman sa saturated at unsaturated fat. Ang higit-kumulang 113 grams ng steak ay katumbas agad ng 22% ng recommended daily allowance sa pagkain ng cholesterol. Pagkakain nito, hindi ka na maaaring kumain ng maraming karne at matatabang pagkain sa loob ng isang araw kung gusto mong makaiwas sa high blood pressure.

 

Ilan lamang iyan sa mga pagkain na dapat nating limitahan upang ang ating katawan ay malayo sa panganib at ang mga pagkain na dapat nating ikonsumo upang ating katawan ay maging malusog. Upang malaman kung an gating katawan ay nagtataglay ng labis na cholesterol, kumonsulta sa doktor at sumailalim sa blood test.  

Mataas at Mapanganib

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
  • White YouTube Icon

© 2023 by Designtalk. Proudly created with Wix.com

bottom of page