top of page

Cholesterol, isang malapot na uri ng taba mula sa atay. Ang cholesterol ay kailangan n gating katawan dahil ito ay kabilang sa paggawa ng cells, hormones, at Vitamin D. Ito ay kasama sa komposisyon ng cells at tumutulong sa pagtunaw ng mga laman sa tiyan. Maraming ginagampanan ang cholesterol sa ating katawan ngunit ang labis na cholesterol ay mapanganib sa katawan ng tao.

 

May dalawang nagsisilbing transportasyon ang cholesterol: HDL cholesterol at LDL cholesterol. AngHDL cholesterol ay tinatawag na “good cholesterol”, kinukuha nito ang labis na cholesterol sa mga cells at dinadala ito sa atay kung saan gagawin itong waste product ng katawan. Ang LDL cholesterol naman ay tinatawag na “bad cholesterol”, ito ay nag-iimbak ng cholesterol sa mga cells at kapag sumobra ang pag-iimbak ay maaaring may mabuong artery wall sa mga cells na maaaring magdulot ng mga sakit.

 

Ang cholesterol ay maraming magandang naidudulot sa ating katawan ngunit marami ding masamang naidudulot. May mga paraan upang maiwasan ang mga sakit na dulot nito. Kinakailangan lamang na kumain ng mga pagkain na mayaman sa HDL cholesterol at iwasan ang mga pagkain na mayaman sa LDL cholesterol.

 

Kinakailangan na bawasan ang pagkonsumo ng saturated fat. Kailangan na kumain ng masusustansyang pagkain at masagana sa HDL cholesterol tulad ng oatmeal, bawang, dark chocolate, olive oil, at pagkaing mayaman sa omega-3 gaya ng tuna, sardinas at mackerel.

 

Hindi lamang pagkain ang sanhi ng high cholesterol,maaaring ito ay sanhi ng paninigarilyo, kakulangan sa ehersisyo, pagiging overweight o obese, edad, genetics o namana sa pamilya o di kaya ay sanhi ng high blood pressure.

 

Ugaliin ang pag-eehersisyo araw-araw para lumakas at makaiwas sa pagiging overweight. Umiwas sa paninigarilyo dahil hindi lamang ito nakatataas ng cholesterol, ito rin ay nagdudulot ng kanser at iba pang malubhang sakit.

 

Walang sintomas ang pagkakaroon ng labis na cholesterol sa katawan ng isang tao kung kaya’t importante ang regular check-up sa doktor. May isang paraan upang malaman kung ang iyong katawan ay nagtataglay ng labis na cholesterol sa pamamagitan ng blood test

​Labis na Labis

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
  • White YouTube Icon

© 2023 by Designtalk. Proudly created with Wix.com

bottom of page