
Ehersiyo Nakakapagpababa ng Mataas na Cholesterol
Ehersisyo nakakapagpababa ng bad cholesterol dahil tumutulong ito sa pagpapababa ng timbang at ito aya tumutulong din sa produksyon ng good cholesterol na siyang nag-aalis ng bad cholesterol.
Upang maging epektibo ang iyong pag-eehersisyo, kinakailangan na ito ay iyong gawin kada araw sa loob ng 30 minutos.
Ano-ano ang mga ito?
Una ay ang jogging dahil ang ehersisyong ito ay nakapagpapabilis ngmetabolism at pagbawas ng taba sa iyong katawan. Malaki rin ang tulong nito sa pagpapapayat at pagdevelop ng muscles saating katawan. Ito ay maaaring gawin ng kahit sinoman ngunit kung ikaw ay matanda na maaari mong maging alternatibo ang paglalakad.
Pangalawa ay ang dancing at aerobics dahil tulad ng jogging ito ay nakapagpapabilis rin ng metabolism at nakapag-alis ng taba sa ating katawan. Marami ng Pilipino ang nahihikayat ng ehersisyo na ito dahil bukod sa pagbabawas ng timbang, marami kang bagong kaibigan na makikilala.
Pangatlo ay ang swimming, pinapalakas nito ang katawan upang mapababa ang cholesterol at makaiwas sa iba’t ibang uri ng sakit. Gawin ang ehersisyong ito sa loob ng 30 minutes hanggang isang oras kada araw upang maramdaman ang magandang epekto nito sa ating katawan.
Pang-apat ay ang paglalaro ng basketball, ito ay nakapagpapalakas ng iyong resistensya na siyang nagpapaba ng iyong bad cholesterol. Bukod sa isa itong ehersisyo, ito rin ay isang laro na kinahihiligan ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
Hindi lamang pag-eehersisyo ang maaari mong gawin upang mapababa ang iyong cholesterol, mayroon itong alternatibo tulad ng paglalakad ng mabilis at pagkilos ng ,abilis sa loob ng inyong bahay.