top of page

35 milyong Pinoy ang maituturing na “high blood” sa bansa kung pagbabatayan ang bagong guidelines ng Amerika sa Blood Pressure.

 

Ang normal na BP ayon sa bagong guidelines na inilabas ng American Heart Association at American College of Cardiology ay 120/80 pababa at magsisimula naman sa 130/80 ang stage one ng hypertension.

 

Isa sa sanhi ng mataas na blood pressure ay ang cholesterol dahil kapag tumaba ang isang pasyente inaasahan na tataas ang cholesterol nito na kasabay ng pagtaas ng blood pressure.

 

Kinakailangan na ugaliin ang magpacheck-up ng BP sa doktor lalo na kung may sakit sa puso, diabetes at kung lahi may lahi ng high blood.

 

Ugaliin ding mag ehersisyo kahit ang paglalakad lang ng 30 minuto kada araw ay malaking bagay na para gawing normal ang blood pressure at iwasan din ang pagkain na maalat at iwasan din ang pagbibisyo.

Pilipino, High Blood kung Batay sa Bagong Pamantayan

  • White Facebook Icon
  • White Twitter Icon
  • White Google+ Icon
  • White YouTube Icon

© 2023 by Designtalk. Proudly created with Wix.com

bottom of page