

Ipagpapatuloy o Ititigil?
Marami sa mga Pilipino ang nakakaramdam ng mga sakit na hindi maipaliwanag ng kanilang sarili. Sapagkat bigla-bigla na lamang itong nararamdaman ng kanilang sariling mga katawan.
Oo, masarap ang mga bawal pero dapat alam natin kung hanggang saan lamang ang ating limitasyon kasi hindi natin alam kung kailan bibigay ang ating mga katawan.
Masarap din naman ang hindi bawal sapagkat mas nakakapangakit ng lasa ang mas bawal sa atin.
Tama pa bang ipagpatuloy natin ang pagkain ng mga makokolesterol na pagkain kasi ito ay masarap?
Ayon kay Theresa Velasquez “ Para sa akin, pwede kang kumain ng pagkain kahit ano kung gusto mong matikiman na masarap o mas malasang pagkain kaysa sa ibang pag kain”.
Sa kaalaman ng lahat, mas masarap ang bawal kaysa sa hindi bawal sapagkat pagminsan-minsan ka lang makakatikim ng bawal.
Dagdag pa niya, “Pero mas pabor ako sa hindi bawal kasi mas makakampante ako na ligtas ang aking kalusugan kung hindi makokolesterol na pagkain ang aking kakainin at tiyak kong lugtas ako sa mga sakit na dala ng ibang pag kain”.
Ititigil nga ba ang pagkain ng makokolesterol o ipagpapatuloy?
Ang mga mamamayan mismo ang makakapagdesisyon. Pero itigil ang mas pabor sa lahat at ito ang ikakabuti ng bawat isa.
​
​
​
​Gamot ko!
Napakaraming Pinoy sa ngayon ang may mga matataas ang kolesterol. Mapamahirap man o mayaman hindi iiwasan ng kolesterol sa katawan.
May iba’t iba ng uri ng gamot para sa kolesterol na tiyak na makakagaling sayo. Pero sa ibang taong may kolesterol ay hindi epektibo ang mga gamot lang na mumurahin, pero sa ibang tao tiyaga na lamang ang pag-inom ng gamot kahit ito man ay mumurahin nagbabaka sakaling mapagaling sila ng mga gamot na ito.
Isa ngayon sa mga gamot na masasabing epektibo ay ang Statins. Ang mga kilalang Statins ay ang Simvastatin, Atorvastatin, at iba pa.
Ayon sa National Cholesterol Education Program ng America, binibigay ang Statins kapag ang cholesterol ay lampas 240 mg/dl at wala namang diabetes o sakit sa puso ang pasyente. Tandaan ang numerong 240. Kapag ang cholesterol test mo ay hindi pa umabot sa 240, puwedeng i-diyeta muna natin iyan.
Pero ang ibang doctor ay nagbibigay na nang reseta ng Statins kahit ang kolesterol pa lamang ay 210 pero ito ay maganda at makakabuti sa may mga matataas na kolesterol.
Ayon kay Willie Ong ,“Sa ganitong pagkakataon puwedeng mag-diyeta muna ng 2 buwan. Iwas taba, karne, cakes at icing muna. Pagkaraan ng 2 buwan, ipa-test uli ang cholesterol at kapag lampas ulit sa 240 mg/dl, doon tayo magsisimula ng Statins”
Sa pagkakataong ito hindi dapat magmadaling magamot ng Statins kasi may mga iba pang proseso upang magawan ng paraan ang may mataas na kolesterol sa katawan. Pero kung hindinparin nababa ang kolesterol sa pagdidiet ay gumawa na ng paraan upang makabili agad ng gamot na Statins.
Para sa mga babae na hindi pa menopause ay hindi gaanong matutulungan ng Statins. Ito’y dahil may estrogen pa sila sa katawan na nagproprotekta sa kanilang puso. Dahil dito, puwede munang hindi uminom ng Statins ang mga babaing hindi pa menopause. Gumawa muna ng mga paraan upang maiwasan ang kolesterol.
​
​
​
Masarap Kumain
Oo, pagkain ay malaking bagay sa atin,
Hindi uurungan kahit ano mang nakahain,
Basta’t pagkain wala ng pakialam sa kalusugan natin,
Basta ang nasa isip masarap ang kumain.
Oo, masarap nga ang kumain,
Napakasarap na hindi mo na maaalala ang katawan natin,
Kahit busog na ay kakainin parin ang tirang pagkain,
Wala nang pakiaalaman basta, ako’y kumakain.
Kaliwa’t kanan ang hawak ay pagkain,
Walang balak mamigay kasi ito’y para sa akin,
Bulsa ko’y wala ng laman makabili lang ng paborito kong pagkain,
sa restaurant na paborito namin.
​
Wala akong ibang iniisip kundi pagkain,
Kahit gabi pa’y iniisip kung saan kakain,
Masaya ako sa pagkain,
Kasi ito ang itinadhana sa akin.
Kahit tuksuhin man ako sa aking pangangatawan,
Pagkain ang una kong sinasandalan,
Pagkain ang nakakaintindi at nakakunawa sa akin,
Alam kong ako’y masaya kasi pagkain ang aking kapiling,
Kahit man ang mga bully ay nasa aking paligid.
Pagkahilo ay paulit-ulit ng nangyayari,
Pero hindi parin ito alintana sa akin,
Lalo’t ang ulam ay taba na para lamang sa akin,
Ito’y masarap pero di ko na kakayanin.
Sama ng pakiradam ang laging daing,
Pagkahilo, pananakit ng batok, pagkalabo ng paningin,
At kung minsan ay paninikip ng dibdib,
hindi alam kung bakit.
Nagpunta sa doctor napagtanto kung bakit,
Karamdam ay hindi normal gawa ng pagkain,
Oo masarap ang kumain pero….
Iba na ngayon.
Pagkain ng makolesterol ay iiwasan na,
Hindi ko kakayanin pag may nangyari sa akin,
Paborito ko mang taba ang nakahain sa lamesa namin,
Gulay na ngayon ang aking hahanapin.
Sisimulan ko na ngayon sa magandang paraan,
Patuloy-tuloy parin ito hanggang saang lamesa pumunta,
Pagkain ng masustansya ay ipagtitibay na,
Tatapusin ko din ito sa magandang paraan at….
Paalam na sa makokolesterol na pagkain na aking na kagawian.
​Masama at Mabuti
![]() | ![]() |
---|---|
![]() | ![]() |
![]() | ![]() |
Kain dito, kain doon. Maraming pagkain ang kinahihiligan nating mga Pilipino. Lalo na ang mga pagkain sa mga handaan sa mga okasyon tulad ng kaarawan, kasal, pasko, bagong taon at marami pang iba ay hindi tatanggihan nating mga Pilipino. Tunay nga na ang pagkain ay parte na nga ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ngunit ang mga pagkain ba na ating kinahihiligan ay may mabuti o masamang dulot sa ating katawan?
Mayroong mga pagkain na mataas na cholesterol at kung an gating katawan ay magtataglay ng labis na cholesterol, ang ating katawan ay maaaring maugnay sa malubhang karamdaman tulad ng stroke, hypertension at coronary heart disease. Ngunit, mayroong cholesterol na hindi masama ito ayang tinatawag na HDL cholesterol o ang tinatawag naa ”good cholesterol” na siyang solusyon upang mapababa ang “bad cholesterol” sa katawan ng isang tao.
Ang pagkain na nagtataglay ng good cholesterol ay ang oatmeal dahil ito ay naglalaman ng soluble fiber na tumutulong sa pagtanggal ng bad cholesterol sa katawan at kapag madalas itong kainin, mapipigilan nito ang pagsipsip ng dugo sa bad cholesterol at makatutulong sa pag-alis ng toxins sa katawan. Isa pa rito ay ang nuts gaya ng mani, almonds, walnuts at kasuy ay nagtataglay ng unsaturated fats na mabuti sa kalusugan ngunit kailangan nating iwasan ang mani na iprinito dahil ito ay nagtataglay ng trans fat na hindi maganda sa ating katawan.
Nagtataglay din ng good cholesterol ang avocado dahil ito ay mayroong beta-sitosterol na isang uri ng plant fat na pinipigilan ang pag-imbak ng bad cholesterol. Ang olive oil at margarine ay makatutulong din na makapagpababa ng bad cholesterol dahil ito ay mayroong plant-based fat na nagtatanggal ng bad cholesterol sa katawan. Nakabababa rin ng total cholesterol level at nakatutulong sa pagpapapayat ang pagkonsumo sa mga ito lalo na ang olive oil.
Ang pagkain na dapat naming iwasan n gating katawan ay ang ice cream at cake dahil ito ay karaniwang umaabot ng 2.5 grams ang trans fat ng bawat serving ng cake. Ang ice cream at sundae naman na maraming sangkap ay maaaring maglaman ng 9 grams ng trans fat bawat serving. Ito ay delikado lalo na sa mga taong may high blood pressure. Isa pa rito ay ang steak at roast beef dahil ang mga ito ay mayaman sa saturated at unsaturated fat. Ang higit-kumulang 113 grams ng steak ay katumbas agad ng 22% ng recommended daily allowance sa pagkain ng cholesterol. Pagkakain nito, hindi ka na maaaring kumain ng maraming karne at matatabang pagkain sa loob ng isang araw kung gusto mong makaiwas sa high blood pressure.
Ilan lamang iyan sa mga pagkain na dapat nating limitahan upang ang ating katawan ay malayo sa panganib at ang mga pagkain na dapat nating ikonsumo upang ating katawan ay maging malusog. Upang malaman kung an gating katawan ay nagtataglay ng labis na cholesterol, kumonsulta sa doktor at sumailalim sa blood test.
Labis na Labis

Cholesterol, isang malapot na uri ng taba mula sa atay. Ang cholesterol ay kailangan n gating katawan dahil ito ay kabilang sa paggawa ng cells, hormones, at Vitamin D. Ito ay kasama sa komposisyon ng cells at tumutulong sa pagtunaw ng mga laman sa tiyan. Maraming ginagampanan ang cholesterol sa ating katawan ngunit ang labis na cholesterol ay mapanganib sa katawan ng tao.
May dalawang nagsisilbing transportasyon ang cholesterol: HDL cholesterol at LDL cholesterol. Ang HDL cholesterol ay tinatawag na “good cholesterol”, kinukuha nito ang labis na cholesterol sa mga cells at dinadala ito sa atay kung saan gagawin itong waste product ng katawan. Ang LDL cholesterol naman ay tinatawag na “bad cholesterol”, ito ay nag-iimbak ng cholesterol sa mga cells at kapag sumobra ang pag-iimbak ay maaaring may mabuong artery wall sa mga cells na maaaring magdulot ng mga sakit.
Ang cholesterol ay maraming magandang naidudulot sa ating katawan ngunit marami ding masamang naidudulot. May mga paraan upang maiwasan ang mga sakit na dulot nito. Kinakailangan lamang na kumain ng mga pagkain na mayaman sa HDL cholesterol at iwasan ang mga pagkain na mayaman sa LDL cholesterol.
Kinakailangan na bawasan ang pagkonsumo ng saturated fat. Kailangan na kumain ng masusustansyang pagkain at masagana sa HDL cholesterol tulad ng oatmeal, bawang, dark chocolate, olive oil, at pagkaing mayaman sa omega-3 gaya ng tuna, sardinas at mackerel.
Hindi lamang pagkain ang sanhi ng high cholesterol,maaaring ito ay sanhi ng paninigarilyo, kakulangan sa ehersisyo, pagiging overweight o obese, edad, genetics o namana sa pamilya o di kaya ay sanhi ng high blood pressure.
Ugaliin ang pag-eehersisyo araw-araw para lumakas at makaiwas sa pagiging overweight. Umiwas sa paninigarilyo dahil hindi lamang ito nakatataas ng cholesterol, ito rin ay nagdudulot ng kanser at iba pang malubhang sakit.
Walang sintomas ang pagkakaroon ng labis na cholesterol sa katawan ng isang tao kung kaya’t importante ang regular check-up sa doktor. May isang paraan upang malaman kung ang iyong katawan ay nagtataglay ng labis na cholesterol sa pamamagitan ng blood test.
Pagkaing Magaling sa Kolesterol

Paano?
Meron ba?
Maraming mga katanungan ang bumabalot sa ating isipan na hindi alam kung anong kasagutan.
Sobrang daming pagkain ang mga lumalabas ngayon, tumingin ka sa kanan meron, sa kaliwa meron, sa harap meron, pati sa iyong likuran meron din. Sobrang daming pagkain hindi mo na alam kung saan ang uunahin.
Pero ingat- inagat din pag may time, hindi mo alam kung ligtas ba ito sa iyong kalusugan.
Sa panahon ngayon napakasarap kumain, pero sa bawat pag-kaing iyong kakainin ay may halong ibat’t ibang karamdaman. Isa na sa makukuha mong karamdaman ay ang kolesterol. Makukuha ng tao ang kolesterol sa mga matatabang pagkain at malalangis na pagkain. Kaya hinay-hinay lang tayo at pumili ng pagkaing hindi makolesterol.
Ayon sa aking pananaliksik, maraming pagkain ang pwedeng kainin peroang mga pagkaing ito ay hindi makakasagabal sa ating magandang kalusugan.
Sa bawat anyo ng prutas o gulay o anu mang pagkain ito ay may hatid na magandang balita sa ating katawan na magdudulot sa magandang kalusugan.
Ayon kay Dr. Willie Ong, may mga pagkain na makakalunas sa mataas na kolesterol ng tao na maaaring bumaba katulad ng; oat meal na maaaring bumaba ang kolesterol ng tao ng 10% sa isang tasa sa araw-araw, Mani na mayaman sa mono- at polyunsaturated fatty acids na epektibong lumalaban sa pagbabara ng cholesterol sa mga ugat na daluyan ng dugo, Abukado ang prutas na abukado ay mayaman sa ilang mga sustansya pati na sa monounsaturated fatty acids (MUFA) na maaaring bumabasa ang kolesterol sa iyong katawan sa tulong ng MUFA, Bawang ito ay nakakapagpababa ng presyon ng dugo ng tao at nakakabawas ng masamang kolesterol sa katawan ng tao, Omega-3 fatty acid ito ay nakukuha sa mga taba ng isda na nakakapagpababa ng presyon ng dugo at pagkawala ng bara sa ugat ng katawan ng tao, olive oil na maganda sa katawan ng tao kumpara sa ibang mga langis dahil ito ay nakakapagpababa mg kolesterol ,brown rice, gulay at prutas ay makakatulong din sa pagpapababa ng kolesterol ng tao.Ito ang magpapatunay na ang bawat pagkain sa ating paligid ay makakatulong din sa ating kalusugan.
Pero dapat sa ano mang estado sa bawat isa padin manggagaling ang pagiging responsible sa ating mga kalusugan. Dapat sa simpleng pagehersiyo ay natutugunan upang an gating katawan ay maging malusog at hindi dapuan ng mga sakit.
Pag-iinagt sa katawan an gating bigyang pansin kaysa sa ibang bagay na makakasama lamang sa ating kalusugan.
Kung sa salita nga “health is life”.
Sino Nga Ba?
Maraming tao mayroon ang mundo. Lahat ng tao sa mundo ay nagtataglay ng cholesterol sa katawan. Maaaring ang cholesterol na nangingibabaw sa kanilang katawan ay good cholesterol ngunit maaari din itong maging bad cholesterol. Ngunit sino nga ba ang mga tao na nangangailangan na kumonsulta sa doktor tungkol sa kanilang cholesterol?
Mahalaga na magpa-check ng cholesterol profile sa dugo dahil walang nararamdaman kahit mataas na ang cholesterol. Malalaman sa test na ito kung sobrang taas ng cholesterol para ma-estima kung gaano kalaki ang peligro ng pagkakaroon ng sakit sa puso o atake sa puso.
Ang mga tao na nangangailangan na kumonsulta sa doktor ay ang mga may altapresyon, may lahi ng mataas na cholesterol, malaki ang puso (left ventricular hypertrophy). Puwedeng makita kung malaki ang puso sa pag-eksamen ng doktor, sa ECG o sa chest X-ray, mga kamag-anak na maagang namatay (bago ng edad na 55 sa lalaki at bago ng edad 65 sa babae) sa heart attack o stroke, lalaki, edad 50 taong gulang at pataas, protina sa ihi at overweight o mataba.
May dalawang nagsisilbing transportasyon ang cholesterol: HDL cholesterol at LDL cholesterol. Ang HDL cholesterol ay tinatawag na “good cholesterol”, kinukuha nito ang labis na cholesterol sa mga cells at dinadala ito sa atay kung saan gagawin itong waste product ng katawan. Ang LDL cholesterol naman ay tinatawag na “bad cholesterol”, ito ay nag-iimbak ng cholesterol sa mga cells at kapag sumobra ang pag-iimbak ay maaaring may mabuong artery wall sa mga cells na maaaring magdulot ng mga sakit.
Magpatingin sa doktor kung kailangang magpa-check ng cholesterol profile. Ang doktor din ang puwedeng magbasa ng resulta para mabigyan ka ng payo kung anong dapat sunod na gawin – tulad ng pag-inom ng gamot para sa mataas na kolesterol.
LATHALAIN
EDITORYAL
Mapanganib na Uri ng Taba
Cholesterol, ano ng aba ito? Bakit nga ba ito ay masama sa ating katawan? Bakit ang mga pagkain na mataas na cholesterol ay dapat iwasan at limitahan? Ano ang kinakailangang gawin upang malunasan ito?
Ang cholesterol ay kinakailangan ng ating katawan upang makagawa ng mga cells, hormones at Vitamin D. Ito ay tumutulong sa pagtunaw ng mga cells at kasama sa komposisyon ng mga cells.
Ito ay nakakasama sa ating katawan dahil ang labis na pagkonsumo ng mga pagkain na mataas ang cholesterol ay nagdudulot ng mga sakit na mapanganib sa ating katawan tulad ng sakit sa puso, diabetes at pagiging overweight o sobra sa timbang.
Kinakailangan na bawasan ang pagkonsumo ng saturated fat. Kinakailangan na kumain ng masusustansyang pagkain at masagana sa HDL cholesterol tulad ng oatmeal, bawang, dark chocolate,olive oil at pagkaing mayaman sa omega-3 tulad ng tuna, sardinas, at mackerel.
Upang malunasan ito, kinakailangan na ugaliin ang pag-eehersisyo araw-araw para lumakas at makaiwas sa pagiging overweight. Umiwas sa paninigarilyo dahi hindi lamang ito nakatataas ng cholesterol, ito rin ay nagdudulot ng kanser at iba pang malubhang sakit.
Mataas at Mapanganib
Tumataas na ang bilang ng mga Pilipino na mataas ang cholesterol na nagdudulot ng iba’t ibang sakit na nagpapahina sa katawan ng isang tao at kahit mga kabataan ay bikitima na nito.
Mahilig ang mga Pilipino sa mga pagkain lalo na sa mga okasyon o handaan tulad g kasal, kaarawan, anibersaryo at marami pang iba. Ngunit ang mga pagkain ito ba ay may dulot sa ating katawan na mabuti o ito ang nagdudulot sa ating katawan ng panganib?
Mayroong mga pagkain na mataas na cholesterol at kung an gating katawan ay magtataglay ng labis na cholesterol, ang ating katawan ay maaaring maugnay sa malubhang karamdaman tulad ng stroke, hypertension at coronary heart disease. Ngunit, mayroong cholesterol na hindi masama ito ayang tinatawag na HDL cholesterol o ang tinatawag naa ”good cholesterol” na siyang solusyon upang mapababa ang “bad cholesterol” sa katawan ng isang tao.
Ang pagkain na nagtataglay ng good cholesterol ay ang oatmeal dahil ito ay naglalaman ng soluble fiber na tumutulong sa pagtanggal ng bad cholesterol sa katawan at kapag madalas itong kainin, mapipigilan nito ang pagsipsip ng dugo sa bad cholesterol at makatutulong sa pag-alis ng toxins sa katawan. Isa pa rito ay ang nuts gaya ng mani, almonds, walnuts at kasuy ay nagtataglay ng unsaturated fats na mabuti sa kalusugan ngunit kailangan nating iwasan ang mani na iprinito dahil ito ay nagtataglay ng trans fat na hindi maganda sa ating katawan.
Nagtataglay din ng good cholesterol ang avocado dahil ito ay mayroong beta-sitosterol na isang uri ng plant fat na pinipigilan ang pag-imbak ng bad cholesterol. Ang olive oil at margarine ay makatutulong din na makapagpababa ng bad cholesterol dahil ito ay mayroong plant-based fat na nagtatanggal ng bad cholesterol sa katawan. Nakabababa rin ng total cholesterol level at nakatutulong sa pagpapapayat ang pagkonsumo sa mga ito lalo na ang olive oil.
Ang pagkain na dapat naming iwasan n gating katawan ay ang ice cream at cake dahil ito ay karaniwang umaabot ng 2.5 grams ang trans fat ng bawat serving ng cake. Ang ice cream at sundae naman na maraming sangkap ay maaaring maglaman ng 9 grams ng trans fat bawat serving. Ito ay delikado lalo na sa mga taong may high blood pressure. Isa pa rito ay ang steak at roast beef dahil ang mga ito ay mayaman sa saturated at unsaturated fat. Ang higit-kumulang 113 grams ng steak ay katumbas agad ng 22% ng recommended daily allowance sa pagkain ng cholesterol. Pagkakain nito, hindi ka na maaaring kumain ng maraming karne at matatabang pagkain sa loob ng isang araw kung gusto mong makaiwas sa high blood pressure.
Ilan lamang iyan sa mga pagkain na dapat nating limitahan upang ang ating katawan ay malayo sa panganib at ang mga pagkain na dapat nating ikonsumo upang ating katawan ay maging malusog. Upang malaman kung an gating katawan ay nagtataglay ng labis na cholesterol, kumonsulta sa doktor at sumailalim sa blood test.
Cholesterol
Ako, ako ay si Cholesterol
Hindi lumulubay sa kahit anong pgkain na matataba,
Hindi ako bibitaw sa mga pagkaing,
Iyong tinitikman.
Ako nga ang dahilan,
Oo, ako nga.
Pagkasakit ng batok, pagkahilo at hirap huminga,
Ay iyong nararanasan dahil sa akin.
​
Kahit ika’y magmakaawa sa akin,
hindi ako bibitaw sa mga pagkaing nakahain.
Pagkat simula una,
Ako ay nakatadhana sa pagkain.
Pero ikaw, Oo ikaw,
Ikaw ay may malusog na katawan,
Na dapat bigyang pansin.
Pansin kung gaano kahalaga ang pagkain ng tamang pagkain.
Alam kong ako’y masama para sayo,
Pero ikaw mismo ang pumipili sa akin,
Ako’y madaming sakit na madudulot ,
Sa malusog mong pangangatawan.
Kaya’t ako mismong nagdudulot
ng sakit sayo ay nagpapayo.
Ako’y iwasan upang iyong kalusugan,
Ay guminhawa at manatiling malusog saan man tingnana.
Ako’y nagsasabing pagkain sa akin,
Ay isang masamang gawain,
Nakakain mo ako sa hindi inaasahang pangyayari,
Pero pagkain sa akin ay hindi masama kung ito’y hindi lagi.
Kolesterol Sipatin
Ikaliligaya ba?
Ikabubuti? O ikakasama lamang?
Madaming dahilan ang bawat Pilipino kung bakit kumakain ng mga pagkain. Una, ito ang ating pangangilan. Panagalawa, ikaliligaya ng ating sikmura. Pangatlo, idinadaan na lang natin sa pagkain kahit walang dahilan.
“Hindi masamang kumain ng mga pagkain, pero dapat limitado lamang ang bawat pagkain ng tao kasi sa pagkain ng sobra-sobra ito ay maaaring makasama lalo na kung hindi mo alam ang uri ng mga ito”Dr. Willie Ong.
Madaming pagkain na nakakain ng tao na hindi mo alam kung ano ang mga sangkap. Maaring makasama sa kalusugan ng bawat tao na kakain ng pag-kain.
Sa bawat pagkain hindi mo malaman kung ilang kolesterol ang laman ng bawat kinakain ng tao.
Ayon nga kay Hannah Catahan ,maging masuri sa mga pagkain iyong titikman dahil hindi mo alam kung anong klaseng pagkain o anong mga sangkap ang nilalaman ng iyong kinakain.
Sipatin ang pagkain ng mabuti.
Ngunit may pagkakataon ka pa bang suriin ang pagkaing iyong nakain?
Ayon kay Dr. Ong, may pagkakataon kang malaman kung anong sangkap ang iyong kinakain kung pamilyar kung anong uri ng pagkain ito at matitiyak mong sigurado ka sa iyong kakainin.
Sa panahaon ngayon makolesterol na pagkain ang mas madalas kainin ng kabataan. Madalas kumakain sa mga Retuarant at kung saan-saan na maaaring makakain ng makolesterol a pagkain.
Mahal na Gamot
Maraming Pilipino ang mayroon ng mataas na cholesterol at upang masolusyonan ito ay kinakailangan nilang bumili ng gamot ngunit dahil maraming Pilipino ang mahirap, may mga pagkakataon na hindi sila nakakainom ng gamot dahil sa mahal na presyo nito.
Maaaring hindi uminom ng gamot, ngunit kailan ito pwede?
Ayon sa National Cholesterol Education ng America, may isang gamot ang binibigay at ito ay ang statins. Ang statins ay ibinibigay sa isang pasyente na umabot ang cholesterol sa 240mg/dl ngunit wala naming diabetes at wala ring sakit sa puso. Kung umabot sa 240 mg/dl ang iyong kolesterol may isang alternatibong paraan upang ito ay masolusyonan, maaari kang mag-diyeta.
Ngunit mayroong mga doctor na nagbibigay agad ng statins kahit hindi pa umaabot sa 240 mg/dl ang cholesterol. Isa ito sa mga dahilan na lalong nagpapatakot sa mga Pilipino na mahihirap, wala na ngang pera, isipin pa nila ang kanilang gamot kahit hindi pa naman umaabot ang kanilang cholesterol sa 240 mg/dl.
Kung ang iyong cholesterol ay lumampas sa 240 mg/dl, maaaring mag-diyeta sa loob ng 2 buwan at kinakailangang umiwas sa mga pagkaing mayaman sa cholesterol tulad ng karne, itlog, cake, icing at marami pang iba upang masolusyonan ang problema.
Ngunit kailangang tandaan na kapag ikaw ay isang babae at hindi ka pa menopause, hindi ka matutulungan ng statins na pababain ang iyong cholesterol dahil mayroong pang estrogen sa katawan ng babae na siyang nagpoprotekta sa puso.

Dagsa ngayon sa iba't ibang kainan ang masasarap na pagkain ngunit mataas ang cholesterol. Marami ang nahuhumaling at napapaulit sa pagkain nito sa kadahilanang ito binibigyan ang mga tao ng satisfaction.
Hindi nakakabuti ang cholesterol sa ating katawan. Dahil sa sobrang cholesterol sa ating katawan ay posibleng maging dahilan ito ng paglobo o pagiging mataba. Kaya kung mapapansin natin sa iba't ibang kainan mapapansin natin na marami ang mga oily at fat foods tulad ng letson o baboy, manok at mga junk foods.
Pero mayroong ibang mga paraan upang bumaba ang cholesterol sa ating katawan. Kagay na lamang ng pagkain ng mga prutas na Avocado. Masagana ang avocado sa monounsaturated fatty acids, na nagpaparami ng HDL cholesterol o good cholesterol sa katawan. Kinukuha ng good cholesterol ang bad cholesterol sa mga ugat at dinadala ito sa atay upang mailabas sa ating sistema. Bukod sa good cholesterol, naglalaman din ang avocado ng beta-sitosterol, isang uri ng plant fat na pinipigilan ang pag-imbak ng cholesterol sa katawan.
Kailangan ay alagaan natin ang ating kalusugan. Maging mapanuri at ikontrol natin ang sarili sa pagkain ng mga fat foods at oily. Sapagkat maari itong magdala ng iba't ibang sakit maliban sa obesity.
Mga Pagkaing Masusustansya at Hindi Masusustansya
Mga May-akda




Kontribyutors



