top of page
received_1723115617995059.gif
Madilim na Laro ng Buhay

Ang buhay natin ay parang isang laro, kung sasabihin mong titigil ka na ay gagawin mo ang sinasabi mo pero pandaliang panahon lamang, dahil naiisip mo ang mga bagay na nararamdaman mo sa panahong nakakatikim ka ng gusto mo, dahil naiisip mo tanging gusto mo lang ang malalapitan mo sa oras ng problema.
Problema ang nagiging dahilan sa mga pagsubok na kung ano anong bagay, kahit na sinabi mo noon na “masama ito”, “hindi ko ito gagawin” at “basta magiging mabuti akong tao at hindi susuko”. Lahat ng salitang yan ay kinain mo dahil lamang sa mga problema mo sa iyong buhay, na akala mo ay hindi magagawan ng solusyon.
Pinaglalaruan kaya tayo ng panahon? Kasi nunguna talamak ang alak tuwing gabi kahit saang kanto ka pumnta sa inyong lugar. Pero simula ng ipagbawal na ang pag-iinom tuwing gabi sa labas . Pero ang kapalit ng alak ay ang paggamit ng bawal na gamot sa madidilim na lugar o kaya loob ng kanilang mga tahanan.
Bakit kaya ang bilis magbago ng tao ngayon? Parang ang isang problema ay mululusutan agad pero ngayon hindi na ganoon kadali. Dahil itinutuon nila ang kanilang sarili sa pagtikim ng bawal na gamot, kaya ang tatag at tiwala sa sarili ay napalitan na nang lutang na isip.
Dahil ang ugat ng paglaganap ng problema sa droga ay doon nakita sa pagpupuslit ng tonetoneladang shabu sa BoC ng mga sindikato kasabwat ang mga opisyal ng gobyerno.
Ganito na pala ang buhay ng tao hindi mo akalain na isang iglap dahil sa droga sira na ang kanilang pamilya at dahil din sa pagpapalusot ng gobyerno sa droga kaya madaming nadadamay na tao na inosente at walang alam pag dating sa mga bawal na gamoy.
Ganito ang buhay ng mga mayayaman at mahihirap pag dating sa bawal na gamot na parang nalalaro lang sila.Naglalro kayo ng taguan ng mga pulis tapos ikaw tago ng tago dahil ayaw mong magpahuli dahil alam mong pagnahuli ka wala ka ng takas, pero ang pulis ay pinapatakas ang mayayaman pero ang mahihirap lamang ang kanilang hinahanap. Maigi pang magtago kaysa magpahuli sa pulis na walang kang kalaban-laban.
Natuto kang tumayo bilang ikaw noon sa paglipas ng panahon mahahanap mo rin ang dating ikaw na langing positibo sa lahat ng bagay. Basta isipin hindi solusyon ang pagtikim ng droga dahil ang droga pa ang magdadala sayo sa kapahamakan. (Laizza Joy T. Pinion)

21443079_1552995751430018_1417945435_n.png
Pagong kung Ituring

Magulo. Nakakabahala.Nakakatakot. Ilan lamang iyan sa mga kataga na na binitawan ni Chairman Chito Gascon patungkol sa mga alegasyon sa pagitan nila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
May mga lumalabas na impeachment para kay Chairman Gascon ngunit ayon na rin sa kaniya ay hindi siya magbibitiw sa pwesto at hindi rin siya aalis sa pagkachairman ng Human Rights ngunit inamin niyang nakababahala ang mga mga pangyayari na nakaugnay sa Extra Judicial Killing.
Lalo na kung siya ay tatanggalin sa kanyang puwesto mas lalong nakakabahala dahil magiging mapanganib ang buhay ng tao sa mga kamay ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Gascon parang pagong nalumalakad ang mga kaso dahil sa loob ng 700 na kaso ng extra judicial killing ay isa pa lamang ang naiaakyat sa korte at wala pa sa kalahati ng naturang kaso.
Inamin rin ni Chairman Gascon na hindi nila kayang resolbahin ang lahat ng kaso ng Extra Judicial Killing sa bansa dahil sa dami ng bilang nito.
Maituturing na wifi ang extra judicial killing hindi dahil makabago kundi napakabagal ng paglutas nito na akala mo ay madaming mga nakakasagap sa wifi. Ganoon na nga yata madami ng nakakasagap dahil sa bawat araw ay may maririnig kang balita tungkol sa Extra Judicial Killing.
Ayon nga kay Gascon harapin na lang natin ang mga ginagawa ng ating pangulo dahil ito ang ating kapalaran sa kanyang termino bilang pagkapangulo.
Tunay ngang mahirap resulbahin ang isang isyu lalo na kung ito ay tungkol sa Extra Judicial Killing na animo’y hangin na nangyayari sa ating bansa. (Kaila Christine L. Mecija & Laizza Joy T. Pinion)

Teritoryong Hindi Matahimik

Sabi nila, ang Spratly Islands na matatagpuan sa West Philippine Sea ay pag-aari ng Pilipinas, sabi naman ng iba ito ay pag-aari ng Tsina batay sa lokasyon nito  at sabi rin naman ng iba ito ay pag-aari ng mga bansa na nasa timog ng bansang Pilipinas.

 Maraming pinaniniwalaan ang mga tao kung sino ang may ari nito at ang iba naman ay tila walang pagsang-ayon sa mga pangyayari sa pagitan ng mga bansang pinag-aagawan ang teritoryong ito.

Matagal ng panahon ang lumipas magmula ng mag-umpisa ang mga isyu sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa kanilang pag-aagawan para sa West Philippine Sea para sa Pilipinas at South China Sea naman para sa Tsina.

Labas pasok ang Tsina sa West Philippine Sea at muli ngang namataan ang mga Chinese vessels malapit sa Pag-asa Islands.

Ayon sa AMTI o Asia Maritime Initiative ay mayroong siyam na Chinese fishing vessels ang namataan sa teritoryo ng Pilipinas  at ang dalawa sa mga ito ay tila makikitaan ng lambat.

Marami ng pinagdaanan ang isyu na namamagitan sa Pilipinas at Tsina ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang Tsina sa pagpasok sa teritoryo ng Pilipinas kahit nagkaroon ng mga usapan sa pagitan ng dalawang panig. (Kaila Christine L. Mecija)

FEATURE
21584243_1554056904657236_508180701_o.png

Column 2

Ligaw na Landas

Matunog ang napapanahong pag-aagawan ng Pilipinas at bansang Tsina sa sinasabing West Philippine Sea.Panahon na upang bigyang-diin ng ating pamahalaan ang naturang isyu para sa kapakanan nating lahat.
Matagal-tagal na din na pinangangambahan  ng ating bansa ang patuloy na ipinaglalaban ang pagsasagawa ng maayos na pakikipag-usap sa Presidente ng Tsina na kung saan wala silang balak na bastang ibigay ito. Kung titingnan,malinaw sa kabuuan ng mapa na sa teritoryo ng Pilipinas ay talagang pagmamay-ari natin ito.
Matapos nga ang pangangampanya ni Pang. Duterte noon na handa siyang sumakay ng jetski mapatunayan lamang na ipakita sa mga mamamayan na kaya niya umano panindigan na atin ito. Maraming mga pangano ang napapako dahil dito,walang duda na mapapasatin ito kung puro hanggang salita na lamang tayo,aksyon ang kailangan.
Bagamat nagawa na ng pamahalaan ang sapat na ebidensya upang masabing atin ito. Marami rin itong puwedeng ibigay na benepisyo sakaling pormal na mapagtagumapayan natin makuha,lalot higit sa mga mangingisda na nais maghanap-buhay upang makalaot at kumita.Palagi natin pairalin ang sariling atin.
Tunay na nararapat na kailan man ay makakamit ang isang bagay na puspusan na abutin kung ito ay paghihirapan tulad na lamang ng ating ginagawang pagpapaigting ng karapatan.( Benazir Ali Rosales)

21584449_1554041827992077_2132563467_o.png
Tugon sa Eleksyon

Matapos ang halalan ay nagsagawa ng  voting re-count si Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa kasigarudahan na walang dayaan ang nangyayari laban sa ibang partido.
Noon pa ma’y dikit na ang laban ni Leni Robredo at Bongbong Marcos para sa Pangalawang Pangulo kaya’t nagsawa siya ng pagsisiyat sa mabuting resulta ng pagkapanalo. Hindi man naging madali para sa kaniya na pangalawahan ang desisyon,ngunit masasabing higit siyang may lamang noon sa unang bilang.
Marami espkekyulasyon ang nagsilabasan sa sinasabing mga nakalalamang na 10,000,000 boto noong unang araw ng halalan,kaya’t marami ang nagduda ukol dito. Mainam ang isinagawang gawain ni Marcos sapagkat marami ang nagtaka nang biglang lumaki ang lamang ni Robredo sa kanya sa mga sumunod na araw.
Sabihin na natin hindi na bago ang magkaroon ng dayaan pagdating sa paghalal ng bagong pinuno. Sapat na din ang ginawang magandang layunin dahil sa ganitong paraan ay mas mapapanatili ang pantay na seguridad ng boto sa bawat lumalaban.
Samantala,hindi man naging madali para kay Marcos na tanggapin ang pagkatalo ay ganoon rin ang kanyang buong pasasalamat sa mga suporta at gumabay sa kanya mula sa simula hanggang sa pagkatapos ng eleksyon. Kung tutuusin, ang maglingkod sa bayan ay isang malaking bagay kung kaya’t marapat na ihanda ang sarili ano man ang magiging kakalabasan nito. (Benazir Ali Rosales)

21616645_1554027217993538_1654311477_o.png
Hatol ng Hustisya

Matapos ang isang madugong engkwentrong pagpatay sa isang binatilyo na si Kian Delos Santos na tila mainit pa rin na pinag-uusapan ng sambayanan. Para sa akin,hayaan na lamang natin na ang batas na magdiin sa pagpapasya ng katotohanan.

            Hanggang ngayon ay wala pa rin pormal na desisyon ang korte kung anong panig ang mananaig na umano’y huli sa akto ang tatlong pulis na walang-paslang na binubugbog ang bikitima at isa kanila ang lumabas na bumaril base sa ballistic examination ng Philippine National Police.Marapat lamang na malalim saliksikin ang naturang isyu at idaan sa nakalaang batas para sa patas na karapatang pantao.

Bagamat malaking tensyon sa mga kapulisan ang hiling ni Pang. Duterte na lahat dapat ng adik sa bansa ay gayong patayin kaugnay na ang pagpapatupad ng ‘extrajudicial killings’. Masasabi na ginawa lamang nila ang kanilang trabaho sa nakaatas ngunit mali ang hakbangin at dapat lamang na isinalalim muna sa ‘due process’ gayundin isang malaking bagay ang pagiging sigurado kung ang biktima ay tunay na nasasangkot sa paggamit o pagbebenta ng droga.

Samantala,mahigpit si Pangulong Duterte pagdating sa paggamit ng droga at isa na ito sa mga kampanya na kanyang ipinaglalaban noon pa man bilang Mayor ng Davao. Ngunit taliwas pa rin ang mga matinding pangyayari ang nagsusulputan kabilang na ang pagpatay ng isang Pamilya sa Bulacan. Patunay ang mga ito na hindi talaga biro ang masamang dulot ng droga sa ating bansa at hindi nakakatulong sa pagbaba ng bilang ng mg karahasan.

Una ng nabanggit ang pagiging saksi ng kanyang pamilya na malinis ang kanilang anak,normal na masipag upang mag-aral,nagtatrabaho pa hanggang gabi at pangarap na maging pulis. Sabihin na nating maraming opinyon ang nasasangkot lalo’t higit ang pagtatanggol ng mga pulis, sakali man isa sa kanila ang manalo sa kaso sana ay mabigyan diin parin ang hatol ng hustisya para sa binatilyo.

Naging panatag naman ang mga saloobin ng mga mamamayan matapos isampa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Department of Justice ang kasong murder at paglabag sa Anti-torture Law laban sa tatlong pulis-Caloocan – nawa sa darating na panahon ay sumiwalat na ang katotohanan at ipataw ang kaukulang kapurasahan kung sino man ang lumabag para na rin sa tinatawag na mata ng saligang batas at sana ay magsilbing aral para sa bawat isa ang nasabing krimen nang sa gayon ay bumaba na ang patuloy na paglobo ng mga gumagamit.

Tunay ngang makakamit ang kahulugan ng hustisya kung ang bawat krimen ay dadaan sa mabisang proseso ng imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan. Itatak sana natin sa ating mga isipan lalo na ang mga kabataan na iwasan ang droga at huwag balewalain ang batas.

EDITORIAL
bottom of page