top of page
NEWS

https://drive.google.com/open?id=0B3a0G9IeD3TRQktRSU5YT09XU2c

videotogif_2017.09.03_15.50.45.gif
 30 Drugs Suspects, Nasawi

Sa ginawang operasyon ng Philippine National Police na umabot ng 29 oras sa Bulacan, 30 hinihinalang sangkot sa droga ang muling nakitilan ng buhay.
Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naganap na madugong drug raid na tumatalima sa programa laban sa droga ng pamahalaan.
Sa ganitong mga pangyayari ay napapaigting ang mga gawain laban sa mga pinagbabawal na gamot na talamak sa bansa.
Ngunit kinontra naman ni Ikalawang pangulong Leni Robredo ang pangyayari.
Aniya, hindi ganito ang mga Pilipino at hinimok niya ang lahat na mangialam at mamulat sa pangyayari sa bansa.
Hinihiling rin niya na huwag sanang matuloy ang kultura ng pagbibigay ng madugong parusa sa mga lumalabag sa batas.
Muli naman itong sinagot ni Spokeperson Ernesto Abella na dapat sana ay makiisa na lamang si Robredo sa mga aksyon ng gobyerno na para din naman sa kapakanan ng Pilipinas.  (Deseree Ann S. Abadilla)

Recount para sa 2019 VP Race, Sisimulan sa 3 Probinsya

Pinili ni dating senador Bongbong Marcos ang probinsya ng Camarines Sur, Ilo-ilo at Negros Oriental bilang unang probinsya kung saan isasagawa ang 2016 Vice Presidential recount.

Sa kabuuan ay may dalawampu’t pitong lugar sa bansa ang muling bibilangin ang boto ng tao para sa pagkapangalawang pangulo at kasama na ditoa ang tatlong probinsyang pinili ni Marcos bilang pilot provinces.

Hindi pa napapatunayan ng kampo ni Marcos ang substantial recovery sa tatlong itinalagang probinsiya.

Kaugnay dito, inaprubahan na ng Presidential Electoral Tribunal ang mosyon ng panig ni bise-presidente Leni Robredo na pahabain ang pagbabayad ng balanseng 7.4 M protest fee laban kay Marcos.

 Ayon sa kampo ni Robredo, tuluyan na nilang ibabasura ang protesta ni Marcos kung mapapatunayan sa recount na tunay ang pagkapanalo ng bise presidente. (Deseree Ann S. Abadilla)

videotogif_2017.09.03_15.50.45.gif
Kontra
​
Robredo, Kinondena ang EJK sa Bansa

Nanawagan si ikalawang pangulong Leni Robredo sa mga Pilipino na umaksyon at lumaban sa extra judicial killings matapos mapaslang ang pinaghihinalaang 30 drug addicts.
Ayon kay Robredo, kailangang ipakita ng mamamayan ang "outrage" o matinding hindi pagsangayon sa isyu ng EJK na kasalukuyang nangyayari sa bansa.
Napatay ang 30 drug suspects sa isang police operation ng Philippine National Police (PNP) sa Bulacan na umabot ng 29 oras.
Ani pa ni Robredo, na huwag na sana maibalik ang kultura ng impunity sa bansa dahil hindi naman umano ganoon ang mga Pilipino.
Samantala, tumaliwas naman si Malacañang Spokeperson Ernesto Abella sa pahayag ni VP Robredo.
Bagama't may karapatan ang pangalawang pangulo na sabihin ang kaniyang opinyon, imbis ay ipinakita na lamang sana na nagkakaisa ang pamahalaan sa paglaban sa pinagbabawal na gamot, giit ni Abella.
Isa din si Pangulong Rodrigo Duterte sa ma pumuri sa nangyaring operasyon ng PNP sa Bulacan. (Deseree Ann S. Abadilla)

bottom of page